Kapag ba nawala na ang mga guhit na umuukit sa aking noo, makikita mo ang nilalaman ng aking utak?
Kapag ba nawala na ang mga kolorete sa aking bibig, maririnig mo na ang sigaw ng aking damdamin?
Kapag ba nawala na ang mga laman na bumabalot sa aking katawan, makikita mo na ang tanging laman ng aking puso?
Kapag ba nawala ang mga tsinelas na sumasapin sa aking paa, malalaman mo na tanging sa piling mo lang gustong sumukob?
Lahat ng ito’y gagawin, para sa’yo aking mahal.
Makita, malaman, madama mo lang ang hangganan ng aking pagmamahal.
Advertisements